Tatlong Natabunan sa Haiti Naririnig

Saturday, January 16, 2010

Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga awtoridad kasabay ng taimtin na panalangin na buhay pa ang tatlong sundalong Pinoy kabilang dito ang dalawang babae na na-trap sa gumuhong gusali ng United Nations sa Haiti.

Sa natanggap na impormasyon ni Lt. Col. Romeo Brawner Jr., tagapagsalita ng military, mula kay Col. Cayetano ng AFP Peacekeeping Operations Center nakatanggap ang huli ng balita na may naririnig ang mga rescuers na paggalaw at boses ng mga tao at iba’t ibang tunog na likha ng mga ito sa ilalim ng guho.

Aniya, ang mga tunog ay nanggagaling mula sa pagpalo sa pader na gumuho, tubo, bakal at mga bagay–bagay na nakakagawa ng ingay kapag may kontak.


Dumating na rin aniya ang mga rescue heavy equipment mula sa iba’t ibang bansa para matanggal ang mga malalaking tipak ng pader mula sa mga natutukoy nang nakatabon sa mga biktimang nasa loob.





0 comments:

Post a Comment

 
© Copyright 2010. Pinoy News Updates. All Rights Reserved.